ITO ANG AMING KUWENTO...

ANG MUNDO AY MAGULO

Ni
George Miyauchi
ANG MUNDO AY MAGULO
Iginugol ko ang aking oras sa iba't ibang mga negosyo sa loob ng 15 taon ng aking karera. Sa panahong iyon, nasakihan ko ang mga tagumpay at kabiguan, kawalang katapatan, kawalang katarungan, pagkalugi, maging ang pagmamanipula sa merkado. Ang iba ay mahina, ang iba ang matinding pinsalang iniwan sa pera maging ang pagkamatay ng tao. Nakakalungkot at nakapasakit kapag ang pamilya ang pinakahuling mga taong dumaranas ng pinakamatagal na sakit at pagkalugi.
Halimbawa, nalaman ko na ang paglabag sa batas ng securities and exchange na karaniwang binubuo ng pagpapakalat ng tsismis at window dressing o pagmamanipula ng mga pinansyal na datos upang makaakit ng mga mamumuhunan. Ang nilalaman ng pinapakalat na tsismis ay, habang sinusuri ang halaga ng kumpanyang aangkinin, isinaad daw ng may-ari ng kumpanya na nakasaad sa isiniwalat na material na may isang third party ang sumuri sa halaga. Ngunit, sa pagdaan ng proseso nito, napag-usapan at napagkasunduan na ng audit firm at ng kumpanya ang halaga, at sa bandang huli, hindi ang audit firm ang nagdesisyon sa halagang ito, kaya't ang isiniwalat na bagay ng kumpanya ay iiba. Ito'y hindi mawaring bagay gaano mo man ito isipin. Maliban pa riyan, ang window dressing ay nangangahulugan na ang ilan sa mga benta ay naitala bilang benta kahit na hindi pa ito nagagawa. Ang isa pa ay ang sariling shares ng kumpanya ay isinama sa kita ng pondo, at dahil ito ay bumubuo sa isang capital transaction, hindi angkop na isama ang mga ito sa income statement. Sa bagay, totoo naman iyon, ngunit, bakit nila inaaresto ang mga tao buhat nito? Dahil sa pagmamanipula
Nakita ko na na ang lahat ng mga negosyo ay mapapalitan ng mga negosyong nakasentro sa Internet, at idini-digitize ko na ang mga analog na negosyo upang ma-enjoy ng lahat ang ganda ng Internet.
Hanggang sa puntong iyon, nakita ko na ang lahat ng mga negosyo ay mapapalitan ng mga negosyong nakasentro sa Internet, at dini-digitize ko na ang mga analog na negosyo mula sa isang dulo patungo sa isa pa upang ang buong sangkatauhan ay makinabang sa kagandahan ng Internet. Sa prosesong ito, nagkaroon ng malaking alitan laban sa mga malalaking analog na mga kumpanya, at kung minsan ay kailangan naming gumamit ng puwersa upang sirain ang mga ito. Nagawa namin ito sa pamamagitan ng puwersa, dahil ang digitalisasyon ng mundo ay mas maginhawa para sa lahat maliban sa mga kasangkot sa mga analog na negosyo na pinansyal na nakikinabang sa paglaki ng kaginhawaan. Sa madaling salita, ang lahat ay yumayaman
Gayunpaman, ang mga analog na kumpanya ay may napakalakas na kapangyarihang pampulitika. Ang kapangyarihan ay ang bilang ng mga boto. Ang mga pulitiko ay mahina sa mga boto. Ang mga analog na kumpanya ay natatakot na ang kanilang komportableng mundo ay masisira nang dahil sa amin, ang mga baguhan. Takot sila na tayo, bilang mga baguhan, ang sisira sa kanilang komportableng mundo.
Simula noon, ang lahat ng mga negosyo ay pinagkaitan na ng kalayaan. Ang tiwaling organisasyon na ito, na naiisip ko lang bilang isang matandang lalake, ay ang kasamaan ng sentralisadong kapangyarihan. Kapag ang mga hangal ang nasa tuktok, kailangan nating mamuhay sa isang lipunan ng mga hangal.
Ngunit ngayon, kami at ang iba pang mga may-ari ng negosyo ay nasa lugar kung saan lahat kami ay mayroong kalayaan. Ang araw kung kailan babaguhin ng desentralisasyon ang mundo ay malapit na.
Walang kabuluhan ang pagtapos sa ating buhay sa ilalim ng bulok na sentralisadong kapangyarihang ito, sa ilalim ng mga hangal.
Isusulong ko ang aking negosyo para sa kapakanan ng kalayaan at para sa kapakanan ng mga pinagkaitan ng kanilang kalayaan at lalong lalo na para sa mga napipilitang mamuhay nang nasa mahirap na kalagayan.

ANG SUZUVERSE AY ITINADHANA

Ang salitang "SUZU" ay hango sa sikat na anime na pelikula na "Bella." Sa Bella, si Suzu ay isang 17-taong gulang na estudyante sa high school na mahal na mahal ang musika at may talento para rito. Gayunpaman, kapag kumanta siya nang kahit isang linya ng mga nota, siya ay nanghihina-hanggang sa masuka siya kapag sinubukan niyang ipagpatuloy ang pagkanta. Ang lahat ay nagbago nang pasukin niya ang napakagandang virtual na mundo na tinatawag na "U."
Sa pagtakas sa realidad nang may iniindang sakit, magagawa na niya ang isang bagay na magbibigay ng kahulugan sa kanyang buhay: makakakanta na siya, at pagkatapos ay maging sikat na mang-aawit sa buong mundo. Ang pelikulang ito ay talagang nagbigay-inspirasyon sa akin tungkol sa isang napakagandang mundo ng pantasya kung saan maaari tayo maging ibang tao na palagi nating pinapangarap at gustong-gusto natin. Iyon ang lugar kung saan mayroong TUNAY NA KALAYAAN at magtatagal habambuhay.

NABUBUHAY KAMI NANG MAY KALAYAAN!

George Miyauchi
President & CEO

ANG AMING BISYON AT ESTRATEHIYA